quasi contract in tagalog

 

quasi na kontrata

lease contract in tagalog

 

 

 SA MGA KINAUUKULAN NITO,
Ang kasunduang ito ay ginawa at nilagdaan ng dalawang paning ngayong ______ ng __________, 20____,
dito sa Tamaraw Hills, Valenzuela City, nina G./ Gng./ Bb. ___________________________, may sapat na gulang,
Pilipino, at naninirahan sa _________________________________________ na siyang tatawaging
NAGPAPAUPA, ditto kina G./ Gng./ Bb. ___________________________, Pilipino, may sapat na gulang, at
naninirahan sa _________________________________________ na siyang tatawagin UUPA o UMUUPA.

P A G P A P A T U N A Y :

Na ang NAGPAPAUPA ay siyang tunay at ganap na nagmamay-ari ng isang PAUPAHANG BAHAY, na
matatagpuan sa ____________________________________, Valenzuela City.
Na ang NAGPAPAUPA at ang UUPA o UMUUPA ay nagkasundo na uupahan at papaupahan ang
nasabing bahay sa ilalim ng patakaran at alituntunin na gaya ng mga sumusunod.
1. Na ang nasabing bahay ay gagamitin lamang bilang tirahan sa loob ng isang (1) taon na magsisimula sa ika-
_____ ng _______________, 20 _____, at magatatapos sa ika- _____ ng _______________, 20 _____, at
maaring paupahang muli sa bagong kasunduan.
2. Na ang nasabing UUPA sa buhay ay hindi hihigit sa _______________ ( __ ) tao lamang o sila ay payapang
umaayon na lilisan sa nasabing PAUPAHA.
3. Na ang UUPA ay magbibigay ng _______________ ( __ ) buwang deposito at _______________ ( __ )
buwan na paunang kabayaran sa upa
4. Na ang UUPA ay magbabayad ng halagang _______________, bilang kabayaran o upa sa loob ng isang (1)
buwan at dapat bayaran tuwing ika- _____ ng bawat buwan.
5. Na ang nasabing __________ buwang deposito ay hindi ibabalik ng NAG-PAPAUPA bagkus ay dapat tapusin
ng UMUUPA at ang nasabing deposito ay magagamit lamang sa huling buwang UPAHAN.
6. Na ang buwanang singil sa KURYENTE at TUBIG/TELEPONO ay sa sariling gastos o gugol ng UMUUPA.
7. Na kung sakaling ang UMUUPA ay hindi makakabayad ng kaukulang UPA sa loob ng _______________ ( __ )
buwang sunud-sunod, ang kasunduang ito ay mababaliwala at ang UMUUPA ay pumapayag na lisanin ang
naturang paupahan sa maayos at matahimik na paraan.
8. Na ang nasabing BAHAY PAUPAHAN ay hindi gagamitin sa anumang uri ng negosyo na labag sa batas tulad
ng sugal at iba pa.
9. Na ang UMUUPA ay hindi pauupahan sa iba ang nasabing bahay ng walang nakasulat na pahintulot o pag-
sangayon ng NAGPAPAUPA o MAY-ARI ng nasabing BAHAY PAUPAHAN.
10. Na ang UMUUPA ay susunod at tatalima sa mga kautusan at patakaran ng pangkalinisan at pangkalusugan.
11. Na ang anumang pagkasira ng nasabing PAUPAHAN dahil sa kagagawan ng UMUUPA ay ipapaayos o
ipapagawa ng UMUUPA mula sa sariling gastos o gugol.
12. Na kung sakaling aalis o lilipat ang UMUUPA, kailangang may paunang abiso sa loob ng tatlumpung ( 30 )
araw bago isagawa ang kaukulang pag-alis o pag-lilipat.

At sa katunayan ng lahat ng ito, ang mag-kabilang panig ay nagkasundo at lumagda ngayong ika- _____ ng
_____________, 20 ___, dito sa GEN. T. DE LEON, VALENZUELA CITY sa tulong ng Poong Maykapal.

N I L A G D A A N :

_____________________________ _____________________________
MAY-ARI NG PAUPAHAN UUPA SA PAUPAHAN

 

 

 

tagalog version tagalog simple house rental contract philippines kontrata sa pagpapaupa ng bahay pdf house rental contract sample philippines house rental contract tagalog tagalog agreement letter sample of lease contract agreement sample room rental agreement philippines example of house contract

 

 


 
 
 
 
 




Post a Comment

Previous Post Next Post