tagalog version tagalog simple house rental contract philippines

 

 

 


 


 
 

 

 

 

tagalog version tagalog simple house rental contract philippines         

   

 

landlord and tenant agreement pdf

parking space rental agreement philippines

simple shop rental agreement

room for rent contract philippines

contract of lease agricultural land philippines

bed space rental agreement philippines

rent agreement pdf

tenant agreement form

 

 

MODELO NG KONTRATA SA SERBISYO

(Model Service Contract)

 

 

SA LAHAT NG MGA MAKABABATID NITO:

 

                Ito’y Kontrata sa Serbisyo na isinagawa ngayong _______ araw ng _____________, sang-ayon at sa pagitan _________________ nasa hustong gulang, walang asawa/may asawa na may adres ng koreo sa ________________, na tutukuyin dito bilang EMPLOYER

 

-at-

 

                _______________________ (Pangalan) ______________________ ng Ahensiya ____________________________, na may adres sa ______________________________________________, kinatawan ni ______________________________, pagkaraan nito tinukoy bilang AHENSIYA;

 

 

SINAKSIHAN AT SINANG-AYUNAN ANG SUMUSUNOD:

 

A.           Mga Tungkulin at mga Pananagutan ng Ahensiya

 

1.            Na ang AHENSIYA ay magkakaloob sa EMPLOYER ng kalipikado at may kakayahang Kasambahay na kailangan ng EMPLOYER;

 

2.            Na dapat magsagawa ang AHENSIYA ng oryentasyon sa EMPLOYER at KASAMBAHAY bago magsimula sa gawain na kaugnay sa kanilang mga karapatan at mga pananagutan alinsunod sa Talata, d. Seksiyon 3, Tuntunin III ng Kautusan at mga Regulasyong Nagpapatupad ng Batas Republika, Blg. 10361 o ang  “Batas Kasambahay”.

 

3.            Na sa loob ng isang (1) buwan simula sa araw ng pagrereport ng Kasambahay, ang AHENSIYA ay magbibigay sa EMPLOYER ng kapalit ng kalipikadong Kasambahay ng walang karagdagang bayad, kung sakaling mangyari ang alinman sa sumusunod:

a.            Kapag natuklasang ang Kasambahay ay may  nakahahawang sakit o kaya’y walang nang lunas na karamdaman, sakit sa pag-iisip na pinatunayan ng isang mahusay o doctor ng gobyerno;

 

b.            Pagtalikod ng Kasambahay sa gawain ng walang makatwirang dahilan, kusang-loob na pagbibitiw, pagnanakaw, o alinman sa mga katulad na gawain na nakapipinsala sa employer o sa kaniyang pamilya;

 

c.            Walang sapat na kakayahang pisikal o mental ang Kasambahay na magampanan ang mga hinihinging obligasyong dapat tuparin, ayon sa isinasaad sa kontrata ng trabaho.

 

 

Na ibabalik ng AHENSIYA sa EMPLOYER ang pitumpu’t limang porsiyento (75%) ng halagang ibinayad kung nabigo ang ahensiya na palitan ng isang kalipikadong kasambahay makalipas ang isang (1) buwan simula sa pagkatanggap ng kahilingan sa pagpapalit.

 

Na ang EMPLOYER ay may karapatan sa tatlong (3) beses na pagpapalit sa buong panahon ng kontratang ito;

 

Ang anumang kahilingan sa pagpapalit makalipas ang isang buwan ay sasailalim sa karagdagang minimum na service fee na dalawampu’t pitong porsiyento (25%) ng napagkasunduang service fee.  Bukod dito,  ang gayong pangyayari ay dapat ipahayag ng employer sa isang sinumpaang salaysay at isumite sa ahensiya bago ito magbigay ng kapalit.

 

 

 

 

Post a Comment

Previous Post Next Post